03 Jul Resolve Conflicts in Truth and Love – PM
Kapag may tao, paniguradong may gulo. Isang tingin lang sa social media feeds ay makikitang punong-puno ng kaguluhan ang ating lipunan at hindi pagkakasundo sa sari-saring mga isyu. Sa katotohanan, hindi mo na kailangan pang lumayo, mismong sa simbahan mayroon ding hindi pagkakaunawaan. Kung hindi natin ito maiiwasan, paano natin ito mapagtatagumpayan?