13 Sep God’s Word: Hear, Obey and Be Blessed – PM
Minsan, mas madali na tayo na lang ang masunod kaysa maghintay at makinig sa Diyos. Pero ang tunay na pananampalataya ay hindi lang tungkol sa paniniwala. Nakikita din ito sa pagsunod. Ang pagsunod natin ay may epekto hindi lang sa atin, kundi pati sa ating pamilya. Sa paraan ng pamumuno, pagmamahal, at paggawa natin ng mga desisyon, naipapakita natin kung gaano tayo nagtitiwala sa Diyos.