13 May Do Not Murder: Respect God, Respect Life – PM – Runthrough
Madaling kondenahin ang pagpatay lalo na kapag viral o laman ng balita. Pero mas mahirap harapin yung galit at poot na tinatago natin sa puso.
Mahalaga sa Diyos ang bawat buhay, kahit yung mga taong hirap tayong mahalin. Kapag hinayaan nating manatili ang galit, unti-unti nitong sinisira tayo at yung mga tao sa paligid natin. Pero kapag isinuko natin sa Diyos ang puso natin, tinuturuan Niya tayong tumigil sa pananakit at matutong magmahal, magpatawad, at magbigay-buhay sa iba.
Sorry, the comment form is closed at this time.